Kinumpirma nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang breakup nitong Lunes, January 20 matapos ang naglalabasang balita na hiwalay na sila.
Sa joint statement na nilabas nila sa ‘Tonight With Boy Abunda’, inamin nila ang balitang hiwalay na sila pero hindi sa rason na kumakalat sa mga tabloid at social media.
Matapos ang ilang pag-uusap ay nagpadesisyunan nilang mag-focus muna sa kanilang mga sarili para sa kanilang career at personal growth.
Nananatiling magkaibigan ang dalawa at patuloy pa ring magtatrabaho magkasama lalo sa musika.
Una nang ibinalita ng PEP.ph sa pagpasok ng taon ang paghihiwalay ng dalawa.