JaDine hiwalay na nga ba?

James Reid & Nadine LustreNag-trending ngayong Bagong Taon ang reel-turned-real love team ni James Reid at Nadine Lustre dahil sa balitang hiwalay na umano ang dalawa.

Ayon sa report ng Pep.ph, hiwalay na ang mag-couple dahil sa “irreconcilable differences” ng dalawa.

Lumayas na rin daw si Nadine sa bahay ni James na bukas naman sa lahat na sila ay nagli-live in.

Cryptic din ang caption sa posts ni Nadine sa Instagram at walang post na magkasama ang dalawa ngayong Bagong Taon na lalong nagpasiklab sa issue ng hiwalayan.

Sa isang interview naman ng ABS-CBN kay James, sinabi nito na sabay nilang ice-celebrate ni Nadine ang New Year.

Sa ngayon, wala pa ring komento ang dalawa matapos lumabas ang issue.