Iza Calzado,Jasmine Curtis etsa-puwera
Balik-showbiz na nga ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz matapos ang halos apat na taong pananahimik.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Shandii Bacolod, producer ng Culion na isa sa entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre na bahagi ng kanyang pelikula si JLC.
Isa pang pasabog ni John Lloyd sa kanyang muling pag-arte ay ang bago niyang kapareha.
Ayon sa producer hindi ang mga pambatong leading lady na sina Iza Calzado at Jasmine Curtis ang kapareha ng aktor kundi ang anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano.
Huling napanood si JLC sa pelikulang ‘Second Chance’ noong 2015.
Hindi umano naging mahirap sa producer na kumbinsihin si John Lloyd na maging bahagi ng Culion dahil naging magkapareha ang dalawa sa isang indie film.