Iza Calzado damay sa JaDine Breakup

Iza Calzado JaDineSa pagkumpirma ng breakup nina James Reid at Nadine Lustre, usap-usapan ang third party.

Usap-usapan sa social media na si Issa Pressman, kapatid ng aktres na si Yassi Pressman, ang dahilan ng hiwalayang JaDine.

Ngunit, ilang netizens ang nagkamali na si Iza Calzado ang third party.

Kaya, shinare ni Iza Calzado sa Instagram stories ang kanyang reaksyon.

“People of the Philippines, anong kaguluhan ito??? Hahaha! May asawa na ako! Lord!” ang nakakatawang caption ni Iza sa kanyang story.

Hirit pa niya, “May asim pa ba si Tita Iza?” Ikinasal si Iza Calzado sa sa entrepreneur na si Ben Wintle noong December 2018.