Buntis muli si Iya Villania sa pangatlong supling nila ng kanyang asawa na si Drew Arellano.
Inanunsiyo nila ang good news noong January 31, na kanilang anniversary.
Sa kanilang YouTube channel na ‘Life With The Arellanos’, makikita na nakatanggap ng sonogram ni Iya si Drew bilang Christmas gift at letter na may nakasulat na, “Love, Ready for baby #3? Merry Christmas!”
Pinapanalanganin naman nila na sana baby girl na ang kanilang third child.