Iwa Moto buntis sa second baby

Inanunsiyo ni former actress Iwa Moto ang pagbubuntis nitong Huwebes.

Sa Instagram, shinare ni Iwa ang sonogram ng kanyang second baby.

Iwa Moto ultrasound

Mayroon ng anak na babae si Iwa sa partner niyang si Pampi Lacson.

“Hello there little one.. We are all excited to meet you. But for now chill ka muna dyan. Mag palaki ka at magpalakas. Wag mo na pahirapan si mommy hah.. Love you,” sey ni Iwa.

“Hello everyone, meet the new addition to our family. Coming soon,” dagdag pa nito, na naka-due manganak next year.

Kabilang sa mga excited na-meet ang new baby ay si actress Jodi Sta. Maria, ang dating asawa ni Pampi, na naging close friend ni Iwa.