Ivana Alawi ‘YT top 10’ sa 10M subscribers

Binida ng vlogger /actress/ model na si Ivana Alawi ang patuloy na tagumpay nito bilang vlogger.

Sa pinakahuling update ay nasa pang-10 na sa listahan ng mga sikat at maraming subscribers si Ivana.

Nakakolekta na ang dalaga ng 10 milyong subscribers at pang-sampu na rin siya sa listahan at sinusundan ito ni Alex Gonzaga.

Nananatili namang number 1 ang ABS-CBN na may mahigit 30M subscribers.