Ivana Alawi winner ang mga pakulo!

WALANG effort pero waging-waging ang aktres, vlogger na si Ivana Alawi ngayon sa social media.

Alam nyo bang ang recent vlog ni Ivana kung saan ay sinorpresa niya ang kapatid na si Hash at binigyan ng lote ay humamig na ng mahigit tatlong milyong views sa loob lamang ng isang araw.

Saan ka pa?

Kaya kahit pandemya at walang raket sa showbiz mukhang hindi ito ramdam ni Ivana dahil nakuha pa nitong mamigay ng lote sa kapatid.

Hindi lang ‘yan dahil nangako si Ivana na susunod na bibigyan nito ng lote ay si Mona sa nasabi ring subdibisyon.

Sana all, katulad ni Ivana!