IU sinubukang bumili ng ticket sa kanyang concert

Nagsimula na ang concert tour ni IU at excited ang K-pop fans na makita siya ng live.

Pagka-open ng ticket sales online sa concert nito, wala pang isang minuto ay sold out na agad, na kahit si IU mismo ay hindi nakabili ng ticket sa sarili niyang concert!

IU
IU (IG)

Sa kanyang YouTube channel, kanyang pinakita sa fans kung paano niya sinubukang bumili ng ticket sa kanyang Seoul concertiu.

Saad pa niya, “It makes me nervous. I’ve never booked a ticket online.”

Sa unang segundo pa lang ay nahirapan na si IU maka-book dahil walang popped up window na lumabas at kalaunan ay napunta siya sa waitling list na may 30,000 na nakapila.

Sa December 13, Friday ang kanyang “Love, Poem” concert sa Manila na gaganapin sa Araneta Coliseum.