Kasama sa listahan ng Forbes ang Korean singer na si IU bilang Asia’s Heroes ng Philanthropy.
Ang listahan ay nagbibigay karangalan sa mga bilyonaryo, negosyante, at kilalang tao na nakatuon sa paglutas ng mga isyu na kinahaharap ng Asia-Pacific.

Binanggit din ng Forbes na si IU ang pinakabatang nakapasok sa nasabing listahan.
Nakapag-donate ng mahigit 900 million won ($800,000) si IU ngayong 2018.
Noon pa man ay kilala na si IU na tumutulong sa iba’t ibang foundations at organizations, dahil na rin ito sa kahirapan na kanyang naranasan noong siya’y bata pa. Sa ngayon ay nasa Asian Tour si IU para sa kanyang “Love, Poem” concert.