Pagkatapos ng successful drama ‘Itaewon Class’, magso-shooting naman si Korean actor Park Seo Joon para sa isang pelikula kasama si singer-actress IU.
Sa recent interview ni IU, binahagi nito na ang kanilang movie na ‘Dream; ay nasa pre-production stage na.
Tapos na rin silang mag-script reading at magsisimula na ang kanilang shooting next month.
Ang ‘Dream’ ay directed by Lee Byung Hun na nasa likod din ng pelikulang ‘Extreme Job.’