Isabel Oli nanganak na sa 3rd baby

Nadagdagan na ulit ang pamilya nina celebrity couple John Prats at Isabel Oli sa pagdating ng kanilang newborn child.

“My Forest 7•17•20,” caption ni John Prats sa post niya na paa ng bagong silang na sanggol.

Isabel Oli baby

“Malapit na kita mayakap.”

Sa ngayon ay wala pang update si Isabel sa social media tungkol sa kanilang third child.

Ikinasal sina John at Isabel noong 2015, at mayroon na silang dalawang anak na sina Lilly Feather at Freedom.