Isabel Oli nag-DIY maternity shoot

Isabel Oli maternity shootKahit may coronavirus pandemic, push pa rin through DIY ang maternity shoot ni celebrity mom Isabel Oli.

Sa tulong ng kanyang asawa na si actor John Prats, nairaos nila ang at-home shoot.

“Consider this a part of the new norm, but I’m really praying and hoping for change and miracle. Instead of idly waiting for the medicine and vaccine of COVID-19, we have a choice to be creative and productive, right? And this is us, the Pratties, squeezing our creative juices to make this photoshoot come to happen,” sey ni Isabel sa kanyang Instagram.

Ayon pa kay Isabel, sa garahe lang nila ginawa ang photoshoot kasama ang kanyang asawa at kapatid na si Naomi Prats.

Inanusiyo lang nila nitong buwan na magkakaroon sila ulit ng baby girl.

Ikinasal ang celebrity couple noong 2015 at mayroon na silang dalawang anak na sina Feather at Freedom.