Isang babae na inireklamo ng isang US national sa tinaguriang sumbungan ng bayan na ‘Wanted sa Radyo’ ni Raffy Tulfo ang diumano’y nagpakamatay nitong Nobyembre 14, 2019.
Sa reklamo kay Tulfo ng US national na si RJ Russel hinuthutan umano ito ng Pinay ng halos P25 milyon.
Matapos umanong ipa-Tulfo ang Pinay ay nagbanta itong magpapakamatay at ila-livestream ang gagawing suïcide.
Bunsod nito ay pakiusapan ng tinaguriang ‘idol’ ng bayan na si Raffy ang mga kaanak ng Pinay na tubong Norte na bantayan ito.
Pero sa kabila ng pagbabantay ay natuklasang wala ng buhay ang Pinay at naabutang nagbigti sa CR ng kanyang kuwarto.
Sa pagsusuri ng doktor, maliban sa pagbigti sa sarili ay lumaklak umano ang Pinay ng 100 tableta ng anti-histamine na kanyang ikinasawi.