Ginanap noong Linggo ang unang concert ng Irish rock band na U2 sa Seoul, Korea.
Habang nagpe-perform ng kantang “Ultra Violet (Light My Way)”, naka-flash ang video na “Herstory” na pinapakita ang mga female seafood divers ng Jeju Island, unang babaeng piloto na si Park Kyung Won, painter Na Hye Suk, ‘Me Too’ whistleblower at lawyer Seo Ju Hyun, professors Hong Eun Ah at Lee Song Jung, violinist Jung Kyun Hwa at ang kakapanaw lang na si Sulli.
Sa huling part ng video, nakasulat ang “Until we are all equal, none of us are equal.”
Nag-perform ang U2 sa Gocheok Sky Dome para sa Joshua Tree Tour 2019 tour.