Inamin ni Spanish actress Itziar Ituño Martinez sa kanyang Instagram na positibo siya sa coronavirus.
Ang aktres ay mas kilala sa kanyang pagganap na Inspectora Raquel Murillo sa Netflix series na ‘Money Heist’.
Nakararanas siya ng lagnat at dry cough ngunit ang kaso ay mild lang.
Ilang celebrities na rin ang tinamaan ng COVID-19 katulad nina Idris Elba, Rita Wilson at Tom Hanks.