Nagpasalamat si Indonesia President Joko Widodo kay Pinoy surfer Roger Casugay sa pagligtas nito sa kanyang Indonesian na kalaban noong Southeast Asian Games surfing event noong nakaraang linggo.
Sinuko ni Casugay ang tsansang manalo para sa gold medal para ilitas ang kapwa surfer na si Arip Nurhidayat nang masira ang leash nito at tinangay ng malaking alon sa San Juan, La Union.
“My appreciation for Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up the golden opportunity to help Indonesian athletes who fell in the race. Greetings from Indonesia,” saad ni Widodo sa kanyang tweet.
Ang La Union surfer na si Casugay ang napiling flag-bearer ng Pilipinas sa closing ceremony ng SEA Games sa New Clark City, Capas, Tarlac.