Kathryn Bernardo KaDreamers Indonesia

Sinurpresa ng Indonesian fans ni Kathryn Bernado ang actress sa kanilang good deed.

Ang KaDreamers Indonesia ay nagtanim ng 266 puno na nakapangalan sa kanilang idol.

Sa Twitter, binahagi ng grupo ang mga bagong tanim na puno kasama ang banner na may nakalagay na “from Kathryn Bernardo x Kadreamers Indonesia for the Earth”.

Napansin naman ni Kathryn ang kanyang kanilang kawang-gawa at ni-repost niya ito sa kanyang personal Twitter account.

Nagpasalamat din ang longtime boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla sa kanilang effort.

Ang 266 puno ay nakatanim sa Kampung Laut, Cilacap sa Indonesia.