Dalawang taon pa sa poder si Pangulong Rodrigo Duterte pero malakas na ang ugung-ugong ng pagsabak sa presidential elections ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.
Base sa impormasyong nakalap mula sa kampo ng presidential daugther ay sasabak nga ito sa halalang pampanguluhan taliwas sa mga naunang ulat.
Ang sikat ngayong local government official na si Manila Mayor Isko Moreno ang sinasabing makakatambal ni Mayor Sara sa 2022 elections.
Gayunman ay hindi pa pinal kung si Mayor Sara nga ang tatakbong Pangulo at Isko naman bilang Bise Presidente pero ang tiyak umano ay magtatambal ang dalawang prominenteng LGU official sa bansa.
Matatandaang paulit-ulit na sinasabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang sumabak si Mayor Sara sa presidential election dahil ayaw niyang pagdaanan ng anak ang kanyang dinaranas.
Ayon pa kay Duterte maaring ma-educate si Sara o masira sakaling pasukin nito ang national level.
Samantala, bukod kay Mayor Sara ay nauna nang kinantiyawan ni Duterte si Senador Bong Go na may planong sumabak na Pangulo ng bansa.