Ina ni Jake Zyrus ‘super relate’ kay Mommy Divine

Raquel Pempengco Mommy DivineNagbigay ng opinyon ang nanay ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco sa kontrobersiya ni pop star Sarah Geronimo at Mommy Divine.

Noong nakaraang linggo ay ikinasal si Sarah sa kanyang long-time boyfriend na si actor Matteo Guidicelli sa isang hotel sa Bonifacio Global City.

Ang nasabing civil wedding ay sinekreto nila kay Mommy Divine, dahilan ng pagkakaroon ng komosyon sa wedding reception.

Ani Raquel, masaya siya na nahanap na ng pop star ang happiness nito at malaki na rin naman ang nasakripisyo nito sa kanyang pamilya sa loob ng 15 taon.

“Pero bilang ina, napakasakit ang pinagwalang bahala ka ng isang anak. Sana sinabi na lang ni Sarah in a nice way na na sa tamang edad na po ako…kahit sa gusto o ayaw niyo nagpapaalam lang ako bilang respeto. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Mommy Divine…”

Matatandaan na mayroon ding isyu si Raquel at Jake tungkol sa pang-aabuso nito sa huli, na pinabulaanan naman ng una.