Iñigo Pascual pinansin ng Korean-American rapper

Natuwa si actor Iñigo Pascual ng mapansin ni international artist Jessi ang kanyang dance cover.

Sa Instagram, binahagi ni Pascual ang kanyang TikTok videos habang sumasayaw sa “Copines” ni Aya Nakamura, at “Nunu Nana” ni Jessi.

Sa comments section, ilang netizens ang nagta-tag kay Jessi sa kanyang reaction, at nag-iwan ito ng fire emojis.

@inigopascual

#NunuNanaChallenge TAG @itsjessibaby

♬ 눈누난나(NUNU NANA) – 제시(Jessi)

Hindi makawapaniwala si Pascual at nagkapag-reply lang ito ng “WOAAAH! (smiling face with heart-eyes emoji)” sa komento ng Korean-American rapper, singer, and songwriter na base sa South Korea.

Sa Twitter, pinakita rin ni Iñigo ang screenshot ng comment ni Jessi. “BROOOOOO! JESSI commented!,” kanyang tweet.

Umabot na sa mahigit 850,000 ang naturang video sa TikTok.