Importasyon ng bigas inawat ni Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Agriculture Secretary William Dar na suspendihin ang importasyon ng bigas sa bansa.

“Because it is harvest time,” pahayag ni Duterte sa press briefing sa Malacañang kagabi.

Inatasan din ng Pangulo ang Kongreso na pahintulutan ang gobyerno na bumili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.

“Kung gusto natin wala problema, bilihin lahat ng produce ng farmers. Gagastos tayo bilyon, bilhin natin.

Tapos.

Palugi tayo para ‘yong mga farmers may resulta sa pawis nila.

Sino ang nalugi wala, tayong Pilipino.

Bilhin natin yan,” giit ng Pangulo.

Nauna rito ay umangal ang mga lokal na magsasaka sa pagkalugi ng bilyong piso dahil sa ipinaiiral na the Rice Tariffication Law na nilagdaan ni Duterte noong Pebrero 4, 2019.