Iloilo frontliners nagbihis ‘Money Heist’

Viral ang litrato ng ilang health workers na nakasuot ng personal protective equipment (PPE) na inspired sa Spanish TV series na ‘Money Heist’.

Si Ilonggo fashion designer Ram Silva ang gumawa ng red PPE hazmat suit na idinonate sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo.

Iloilo hazmat suit

Nitong Linggo, pinost ni Silva sa kanyang social media ang litrato ng mga frontliners na nakasuot ng kanyang ginawang PPE at kinumpleto ng Salvador Dali masks.

Ang Salvador Dali masks at red jumpsuits ay ang costumes na suot ng mga magnanakaw na bida sa “La Casa de Papel” o “Money Heist.“

Humamig na ng 1,700 likes at 900 shares ang nasabing post.