Ilang Pinoy sa Iraq, balik bansa

Dumating na ang unang grupo ng Pinoy na pinauwi ng Department of Foreign Affairs sa Iraq matapos ang ilang pagkaantala.

Dalawang bata at 11 matanda ang dumating kaninang alas-kuwatro ng hapon na sinalubong ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.

Tuloy pa rin ang pagpapauwi sa overseas Filipino workers (OFWs) Iraq kahit humupa na ang tensyon sa Middle East at United States.

Ayon kay Defense secretary Delfin Lorenzana, ang siyam ay galing sa Baghdad at apat sa Erbil.

Ang unang plano na pag-uwi sa Pilipinas ng grupo ay naudlot dahil sa problema sa visa.