Ilang celebrities walang kulay ang Valentine’s day!

Nakalipas na ang ‘Valentine’s Day’ at tiyak ito ang pinakaaabangan ng mga single na sikat na celebrities.

Katulad na lamang ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia na nag-post ng photo sa kanyang Instagram na mag-isa.

Matapos mawalay sa aktres na si Julia Barretto ay wala pang ibang seryosong relasyong napapabalitang pinasok ang aktor.

Maging ang Your Moment host na si Nadine Lustre ay isang mahiwagang couch ang kanyang ipinost sa Instagram sa Araw ng mga Puso.

Kung titingnan, mukhang matutulog lamang ang aktres para palipasin ang isa sa pinaka ipinagdiriwang na okasyon ng mga lovers.

Kakahiwalay lamang ni Nadine sa long time boyfriend nitong si James Reid.

Si Katrina Halili naman ay anak niyang si Katie ang ka-Valentine’s.

Sa ibinahaging larawan ni Katrina ay naka-swimsuit itong mag-isa sa pool habang bumabati ng, “Happy Valentine’s Day.”

Ang papable namang si Marco Gumabao ay kasama sa malalamig ang Valentine’s day dahil nag-post ito sa kanyang Instagram ng topless photo na may caption na “Will you be my Valentine?”

Pa-inosente namang tanong sa twitter ng Kapamilya aktres na si Barbie Imperial sa kung anong selebrasyon? “Ano meron bukas?”