Ika-9 doktor namatay sa COVID-19, kapatid ni Ruby Rodriguez

Ruby Rodriguez sister Covid-19Ang pangulo ng Philippine Pediatric Society na si Dr. Sally Gatchalian ay namatay na dahil sa COVID-19, kinumpirma ng kanyang kapatid na si Eat Bulaga host Ruby Rodriguez.

“We will only remember you with happy memories, laughing and sleeping… I love you so much my big sister,” post ng EB TV host sa kanyang Instagram.

“Smile say hi to mom and dad… be at peace, do not worry about us anymore. Have fun in heaven! I love you so much,” dagdag pa nito.

Si Dr. Sally ang ika-siyam na doktor na namatay dahil sa coronavirus sa bansa.