ID ni ‘Steeeeve’ Dailisan, trending sa Twitter

steve dalisanProud na pinost ng former GMA reporter na si Steve Dailisan ang kanyang pilot ID na nag-trending sa Twitter.

Sa kanyang ID, nakalagay ang kanyang sikat na name intro na ‘Steeeve’ bilang kanyang nickname.

“This is your First Officer Steeeeeeve Dailisan, together, let’s make moments golden! Flying with you!” na may hashtag #paraconsistent.

Umani na ng 13.5k likes at 835 retweets ang nasabing post.

Noong 2018 ay nilisan ni Steve ang media industry para tuparin ang kanyang pangarap maging piloto.