Matapos ang dalawang araw na matagumpay na ‘Iconic’ concert ng dalawang haligi ng music at showbiz industry na sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid ay super excited na ang kanilang mga Pinoy fans na abroad na mapanood sila.
Sa Instagram post ni Sharon ay inulan ito ng pagbati mula sa kanyang mga tagahanga sa Pilipinas sa abroad.
Isang fan ni Sharon ay nagkomento sa ipinost na photo ni Megastar ng ganito:
primeofmylife: I fervently pray that the Iconc US tour will materialize so i could be blessed by your music once more, so as the rest of your US fans here.
I love and miss you so much. Wala pang balita kung iikot ng ‘Iconic’ ang kanilang concert sa Filipino community sa buong mundo.