HYLT dance cover ni AC Bonifacio umabot sa 2M views

Umabot na sa mahigit 2 million views ang How You Like That dance cover ni AC Bonifacio sa loob lang ng tatlong araw.

Sinurpresa ng dancer ang kanyang fans nitong unang araw ng buwan para sa cover niya ng K-pop group’s new single, na well-produced at inspired din sa music video nito.

“Hey guys! Finally after the long wait, the queens now have a comeback that we all have waited for,” caption nito sa cover video.

“I found strength through Blackpink’s music that even in the darkest times we should persevere and fight through. So, here’s a dance cover of Blackpink’s newest song, How You Like That!!” dagdag pa niya.

Isang known Blink si AC, at isa sa mga local celebrities na nakitang umattend ng concert ng grupo dito sa Pilipinas last year.

Ang 17-year-old dancer na may 1.6 million subscribers sa YouTube ay gumawa na rin ng dance covers ng ibang Blackpink hits gaya ng “Kill This Love,” “Boombayah” at “Forever Young.”