Inamin ni Veteran journalist Howie Severino na nagpositibo ito sa coronavirus. Ayon sa piece na kanyang isinulat para sa GMA News Online, sinabi nito na ang pagkakaroon ng COViD-19 ay hindi katapusan ng buhay.
“The reality is many of the recoveries don’t get counted, while the deaths often make the news, adding to the overwhelming sense of dread. The odds of survival are pretty good.”
Kuwento pa nito, isa siya sa mga masuwerteng nakauwi at nakabalik sa normal na buhay matapos gumaling, ngunit hindi katulad ng kapwa niya COVID-19 patient na hindi pinayagang bumalik sa kanyang condominium building.
Nakatulong din umano ang Zoom meetings para maibsan ang kanyang kalungkutan sa isolation, at mga breathing exercise na itinuro ng kanyang asawa.
“COVID-19 need not be a death sentence. I am living proof. A combination of good fortune, physical fitness and competent medical treatment probably saved my life.”