Howie Severino nagtanggal ng face mask para uminom, hinuli

Dahil sa face mask violation umano, na-briefly detained si journalist Howie Severino ng Quezon City law enforcers.

Sa Facebook, ikinuwento ng broadcaster na nagbibisikleta siya sa Quezon City, ng hinuli siya ng mga law enforcers sa pagtanggal nito ng facemask.

Ayon kay Howie, ibinababa niya lamang ang kanyang facemask para inumin ang drinks na binili sa tindahan.

“We bought drinks at the store next door, and then drank them after pulling down our masks below the mouth (because we have not learned to drink yet with masks on). We were all outdoors were the risk of infection is much lower than indoors and maintained at least four feet distance from each other,” kuwento ng veteran journalist.

“I had just finished my drink and returned the bottle to the store before I could pull my mask back up, when at least three vehicles of QC law enforcers arrived to tell me I was talking without my mask covering my mouth and had to be brought to Amoranto stadium for a seminar,” dagdag pa niya.

Pagkatapos ng seminar ay ibinalik na ang kanyang bike at pinauwi na siya ng mga ito.

Nag-trending sa Twitter si Howie sa tila walang common sense na paghuli sa kanya ng mga officer.

Ikinumpara pa ng mga netizens ang sitwaston sa “mañanita” ni Metro Manila police chief Major General Debold Sinas.