Hotel na ginamit sa quarantine sa China nag-collapse; 70 na-trap

Tinatayang nasa 70 katao ang na-trap sa nag-collapse na hotel na nagsisilbing quarantine area ng mga positibo sa coronavirus o COVID -19 sa China kahapon.

Ang bumagsak na pasilidad ay nasa Quanzhou City ayon sa ulat.

Gayunman sa 70 na-trap, nasa 40 Chinese national ang na-rescue mula sa gumuhong limang palapag na Xinjia hotel ayon sa ulat.

Patuloy ang rescue operation sa gumuhong hotel habang wala pang inilalabas na figure ang mga awtoridad sa dami ng nasawi sa trahedya.