Pupunta ng Manila ang Korean actor na si Yeo Jin Goo para sa kanyang unang fan meeting tour na ‘Memory Line.’
Makikita ng fans si ‘Kong Chan-Sung’ sa February 1, Saturday sa New Frontier Theater.
Isa sa kanyang successful shows ay ang ‘Hotel del Luna’ na katambal niya ang famous singer at actress na si IU.
Nagsimula si Yeo bilang child actor at nanalo ng Best Child Actor sa SBS Drama Awards.
Sumikat siya dahil sa Korean period drama na ‘Moon Embracing the Sun’ kung saan gumanap siya bilang young prince.
Nagsimula na ang ticket sales ng kanyang fan meeting tour at mabibili ito sa TicketNet.com.ph o sa TicketNet outlets.