Hotdog’s Dennis Garcia, pumanaw na

Dennis Garcia HotdogNamayapa na ang bassist at frontman ng bandang Hotdog na si Dennis Garcia sa edad na 69 years old nitong Sabado, January 18.

“For those of you who knew my father, it grieves me to inform you all that he passed away tonight. We will keep you posted regarding the details of the wake,” ayon sa post ng anak na babae ni Dennis na si Isa.

Ilan sa mga sumikat nilang kanta ay “Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko,” “Bitin sa ‘Yo,” at ang iconic na “Manila” kung saan ginamit pa ito sa parada noong 30th Southeast Asian Games.

Wala namang binigay na rason ng pagkamatay ng frontman.