Hong Kong nagbabala: Iwasan munang halikan ang mga alagang aso

Nagbabala ang kagawaran ng Hong Kong na umiwas munang halikan ng mga nagmamay-ari at nag-aalaga ang kanilang mga alagang hayop nang matapos masuri ang isang aso na “weak positive” sa coronavirus.

Base sa pagsusuri ng mga eksperto, nakitaan ang aso ng “low-level of infection” na maaring makuha katulad sa mga ibang kaso ng “human-to-animal transmission”, ayon sa Kagawaran ng Hong Kong Agriculture, Fisheries and Conservation.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga eksperto at ng World Health Organization (WHO) para malaman kung saan ito nakuha ng aso.

Ayon sa WHO, sa kasalukuyan ay wala pang nakikitang ebidensya na ang mga hayop katulad ng aso at pusa ay maaaring mahawaan ng coronavirus.

Hindi naman daw kailangan i-iabandona o pabayaan na lang ang mga alagang hayop, dahil sa wala pa naman nakitang kaso na kayang magpakalat o mahawaan ang mga inaalagaan na mga nasabing hayop.

Pinaalalahanan lamang ang mga nagmamay-ari o nag-aalaga na sanayin ang sarili sa pagsunod sa “good hygiene practices”, katulad ng (paghuhugas ng kamay pagkatapos makipaglaro o hawakan ang alagang hayop, kanilang pagkain at iba pang pangangailangan, pina-iiwas din muna sa paghalik sa mga ito).