Hong Jong Hyun papasok na sa military

Magpapa-enlist na ang Korean actor na si Hong Jong Hyun sa military para sa 2-year obligation sa kanyang bansa.

Sa isang ekslusibong report ng Ilgan Sports, magpapa-enlist si Jong Hyun sa December 2, 2020.

Hong Jong Hyun
Hong Jong Hyun (IG)

Kalaunan ay kinumpirma naman ito ng kanyang agency. Ayon sa C-JeS Entertainment, “Hong Jong Hyun will be enlisting on December 2.

If we decide to reveal the location of his entrance into the training camp, we will announce it later.”

Nagsimula si Hong Jong Hyun bilang model noong 2007 at sumabak sa acting sa movie na “A Frozen Flower” noong 2008.

Kasama sa siya cast ng Korean dramas na “Dating Agency: Cyrano”, “Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo”, at “My Absolute Boyfriend.”