Hollywood actor bagong miyembro ng EXO

Ryan Reynolds
Ryan Reynolds

Nasa South Korea ang sikat na Hollywood actor na si Ryan Reynolds para ipromote ang kanyang bagong Netflix film na “6 underground.”

Nag-share ng kanyang trip si Reynolds sa kanyang social media at isa na rito ang meet up niya with EXO.

Sa kanyang tweet, pinost niya ang kanyang picture na naka-photoshop ang buhok, kasama ang EXO.

“Thrilled to be EXO’s newest member. I might not be able to dance or sing, but one thing’s for damn sure: I have no idea how to give the “thumbs up” sign. Honestly, I never learned it.”

Matatandaan na ang miyembro ng EXO na si Park Chanyeol ay fan ng “Deadpool” franchise kaya excited ang kanilang fans sa pagkikitang ito.