Hindi lang taga-make-up: Paolo Ballesteros ipinagtahi ng gown ang anak

Super proud ang TV host comedian na si Paolo Ballesteros sa bago nitong accomplishment.

Sa Instagram ay ibinahagi ng komedyante ang nagawang gown para sa dalagitang anak.

Ganito ang caption ni Paolo sa tinahing gown: Flex ko lang may junakis and my first ever dress made gamet ang sewing machine!

Sabi ni Paolo nahirapan siya sa pagtatahi pero bawi naman ang hirap dahil sa magandang nagsout ng kanyang kauna-unahang tinahing dress.

Si Paolo ay kilalang eksperto sa pagmi-make-up  at sikat sa transformation dahil sa magagandang celebrities na ginagawa nito sa pamamagitna ng make-up.