Hindi ko to away! Julia tiklop na sa Barretto war

Kung anong tapang noong mga nakaraang araw ng Kapamilya aktres na si Julia Barretto ay siya namang hinahon nito nang humarap sa media kahapon.

“Well, I think it’s natural for everybody to be concerned.

But I think it’s also nice if everybody would give the family the privacy and the respect to resolve their issues,” bungad ni Julia sa sidelines ng nalalapit na pag-ere ng iWant original series nito kasama si Tony Labrusca.

Tikom na rin ang bibig ng 22 anyos na aktres nang hingan ng komento sa isyung kinasasangkutan ng kanyang inang si Marjorie, tiyahing sina Gretchen at Claudine at buong angkan.

“Pero wala po kasi akong kinalaman diyan eh. Hindi ko po masasagot ‘yung mga tanong tungkol sa kanila kasi nga po, it’s not my battle. Hindi ko po siya laban,” depensa nito.

“‘Yung magkakapatid po lang ’yung makakasagot niyan. I cannot speak for them. Hindi ko po laban eh.

Hindi ko laban.

I don’t have the right to speak for any of them,” ayon pa kay Julia.

Sa ngayon sinabi ni Julia na wala siyang ibang dasal kundi ang mabigyan sila ng blanket of protection.

“Ang biggest prayer lang is blanket of protection lang.”