Fighting mode ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa social media.
Ito ay matapos itong akusahan ng isang netizen na mula sa pamilya ng mga magnanakaw.
Sa Instagram post nitong Pebrero 27 ay walang kiyeremeng ibinahagi ni Kris ang screenshot ng naging akusasyon ng netizen na si @sickie9 pati na ang naging sagot niya rito.
“Talaga naman ginagamit ang pera ng Pilipinas para lang mas maunlad ang buhay. Family of thieves,” sabi ni @sickie9.
“I cannot argue with your logic – pera ng PINOY na bumili ng mga inendorse ko at nanuod ng mga pelikulang na produce ko at pinagbidahan ko ang nagpaunlad sa buhay namin. See hard work pays off and God rewards those on His flock who are 1. Cheerfull givers, and 2. Know how to say thank you,” tugon ni Kris sa bumanat na netizen.
Binigyang-diin ni Kris na hindi sila pamilya ng magnanakaw at patunay aniya ito ng kanyang mga ipinagmamalaking post.
Giit ni Kris pag nakaw ay malabo itong isapubliko dahil sa kahihiyan.
Winner naman sa netizens ang naging resbak ni Kris kaya umani ng papuri ang kanyang litanya.
Nabanggit di ni Kris sa kanyang IG na dahil sa dami ng kanyang naging biyaya ay marami siyang natulungan.
“So yes ginamit ko naman talaga ang pera ng mga PILIPINO – mga Pinoy who helped make my childhood dreams come true… kung mag-enumerate naman ako ng lahat ng natulungan ko through the years, EPAL naman ako ang next na paratang — so it is more than enough the beneficiaries know and my Creator knows that i shared the blessings i received to help better the lives of others. Good night,” paglilinaw pa ni Kris.
Tinapos ni Kris ang usapan sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang larawang nakangiti at may ganitong caption ” Sabi n’yo, good vibes because sometimes masunurin ako. To end our night with a big #smile.