Hilary Duff at Matthew Koma kasal na

Ikinasal na ang aktres na si Hilary Duff!

Nagpakasal na ang Lizzie McGuire actress na si Hilary Duff sa singer-songwriter na si Matthew Koma sa isang simpleng seremonya na ginanap sa loob ng bahay ni Hilary nitong Sabado, December 21, 2019.

Hilary Duff at Matthew Koma
Hilary Duff at Matthew Koma. (IG)

Ang reception ay ginanap sa isang white tent na itinayo sa loob ng bakuran kung saan tanging malalapit na kaibigan at pamilya ang imbitado.

Sina Hilary at Matthew ay naging engaged nitong May 2019.

Meron na silang anak na babae na si Violet na ipinanganak noong October 2018.