Hidilyn Diaz bags first Olympic gold medal for PH

One for the books ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng gold medal sa recent Tokyo Olympics.

Ang nasabing gold medal ay unang gold medal ng bansa matapos unang sumali ang Pilipinas sa Olympics noong 1924.

Una nang nanalo si Diaz ng silver medal in the women’s 53-kg category sa 2016 Rio Olympics.

Sa Tokyo, nagtapos si Diaz with a total score 224 kg, at tinalo si China’s Liao Qiuyun na umiskor ng 223.

Si Diaz din ang ikalawang Pinoy na mayroong dalawang Olympic medals, joining swimmer Teofilo Yldefonso, na nanalo ng bronze medals noong 1928 at 1932 Summer Games.