Inamin ng Hollywood veteran actress na si Helen Mirren na minsan siyang nagtiis na mag-tea nang walang gatas dahil sa matinding hiya nang maimbitahang mag-tea kasama ang grupo ni Queen Elizabeth.
“She invited me for tea,” kuwento ng 74-anyos na si Mirren.
“I thought it was going to be in a room with 200 other people, which it often is.
I’ve met her once before and it was in a room with 200 other people.”
Nang matanggap ni Mirren ang imbitasyon, ipinabatid sa kanya ng mensahero na alam ni Queen Elizabeth ang presensya ng aktres sa isang horse event kaya inimbitahan itong sumama sa kanyang grupo para mag-tea.
Sa pag-aakalang maraming ibang tao, tinanggap ni Mirren ang imbitasyon pero laking takot nito nang makitang may 8 tao lamang ang grupo ni Queen Elizabeth kung saan kasama nito si Prince Philip at iba pang mga bigating tao tulad ng isang Sheik.
Magkasamang hiya at nerbyos ang naramdaman ng aktres at halos nahirapan umano siyang makisali sa kuwentuhan kung saan ang pinag-uusapan ay tungkol sa kabayo na wala naman siyang kaalam-alam.
“I know absolutely nothing about horses, at all, and the Queen knows everything about horses,” ani Mirren.
Nang dumating ang kanyang tea, gustong-gusto umanong maglagay ng gatas ng aktres dahil nasanay itong uminom ng tsaa na may gatas.
Pero sa pagkakataong iyon, nasa tabi ni Prince Philip ang gatas.
Nangibabaw ang hiya sa aktres dahil hindi umano niya maisip-isip kung ano ang dapat itawag kay Prince Philip: I can’t remember how to address Prince Philip.
I mean, is it sir? Is it your majesty? Is it your highness?”
“Is it rude to ask him to pass the milk?”
Dahil sa hiya, minabuti na lamang ni Mirren na inumin ang tsaa nang walang gatas!