Isinapubliko na ni former “Bagong Umaga” co-stars Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang kanilang relasyon, ilang buwan matapos ma-link ang dalawa.
Nag-post ang dalawa sa kanilang Instagram ng magkatulad na pictures, showing their sweetness.
“His,” ang simpleng caption ni Heaven.
Nabuhay namang muli ang social media ni Kiko matapos ang ilang buwan hindi aktibo.
“I love you,” caption niya sa photo.
Na sinagot naman ng “I love you too” ni Heaven sa comments section.
Unang nagsimula ang balitang magkasintahan na ang dalawa, nang tanggalin ni actress Devon Seron, dating girlfriend ni Kiko, ang pictures nila sa kanyang Instagram.
Naglabas din ng statement si Heaven noon na hindi siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.
Hindi malinaw kung kailangan naging magjowa sina Heaven at Kiko.