Heart namatayan ng alaga

Nagdadalamhati si actress Heart Evangelista sa pagkamatay ng isa sa kanyang foster puppy.

Sa kanyang April 28 vlog, pinakita nito ang compilation ng kanyang home activities nitong COVID-19 lockdown.

Sa isang parte ng kanyang video, pinakita dito na umiiyak si Heart sa pagkamatay ng kanyang foster puppy na si Linda.

“I was only with her for half a day, but I’ve never been so attached to a foster. I usually foster a lot, but this one was extra special, and I actually thought of keeping her but she died. She had complications.”

Kilala si Heart na animal rescue and adoption advocate.

Isa rin siyang ambassador ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at noong 2019 ay nagbukas ito ng kanyang sariling animal welfare facility sa Sorsogon, kung saan gobernador ang kanyang asawa na si Chiz Escudero.

“Despite the heartaches, I do still very much support the idea of fostering. It’s just very hard because she was really such an angel.”