Heart nagsuot ng Quiapo headband sa Fashion Week

Pinatunayan ni Heart Evangelista na wala sa presyo ang pagiging fashionista.

Sa kanyang recent vlog, ni-reveal ni Heart na nagsuot siya ng headband na galing Quiapo sa Paris Fashion Week.

 

Sa halagang P70 sa apat na piraso, nairampa ni Heart ang gold headband sa Georges Hobeika’s show.

“So this is the Quiapo headband. P70 for four pieces. Nakarating na siya ng Paris,” sey ni Heart habang inaayusan siya para dumalo sa show.