Heart hinabol ang aso at muntik lumusot sa truck

Lahat gagawin ni Heart Evangelista para sa kanyang mga alaga, kahit muntik na siyang masagasaan ng truck.

Tumakbo ang kanyang alagang aso na si Che Che sa daan, na kanyang hinabol at muntik na siyang madisgrasya.

“Nakakaloka hinabol namin si Che Che sa daan! Muntik ako Lumusot ako sa truck!” tweet ng aktres.

“To the man who opened his car door to stop cheche thank YOU! Sana wala naka-video dahil mukha akong tanga – naka kulot at high heels making pigil the trucks and cars and running after cheche. What an afternoon,” naunang tweet ni Heart.

“To the guards , driver, my hairstylist, all my friends and sister Camille (in high heels din) thank you sa pag habol din. What a scene .thank you lord ok lahat,” dagdag pa niya.

“Great I forgot na sa Twitter din pala Asawa ko. Mapapagalitan ako nito.” Hindi nabanggit kung paano nakawala ang aso sa kotse at saan ito naganap.