Heart Evangelista namigay ng bahay

Sinorpresa ni Heart Evangelista ng isang bahay ang lalakeng nakilala niya sa lansangan na nag-aalaga ng mga Aspin.

Nakipagtulungan si Heart sa dog rescue group na Pawssion Project para bigyan ng bahay kubo si “Kuya Jun”.

“Thank you for helping us give him a home. It was all because of you that we now have this amazing new member of our family,” ani ng dog rescue group.

Sa Twitter post naman ni Heart, nagpasalamat ito sa lahat ng tumulong sa kanya at kay Kuya Jun bilang inspirasyon.

“Happy Sunday, Kuya. Welcome home sa inyo ng mga babies niyo. Di na kayo mauulanan. Thank you to everyone who made this possible and to Kuya for being an inspiration. You deserve the world.”

Nakilala ni Heart si Kuya Jun sa Gilmore Avenue, Quezon City habang naghahanap sa kanyang nawawalang aso na si Casper.

Isang street sweeper si Kuya Jun at kilala na tumutulong sa mga asong kalye sa Gilmore.