Heart Evangelista nagmukhang tsimay

Winner ang caption ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa kanyang Twitter account kung saan ay nakasuot ito ng kulay puting-puting gown.

Kilalang pasyonista ang aktres na nakakarating pa sa iba’t ibang bansa para rumampa sa mga fashion show.

Kaya naman patok na patok ang nasabing Twitter post ng aktres kahapon na may ganitong caption: Yung bihis na bihis ka pero hindi ka naman pala kasama.

Kalakip ng caption ng actress ay ang kanyang larawan na kuntodo make-up at naka-gown pero nagma-mop ng sahig kaya nagmuka itong yayamaning tsimay.

Hindi naman nabanggit ng aktres kung ang mister nitong si Sorsogon Governor Chiz Escudero ang nag-iwan sa kanya o palabas lamang ang kanyang paglilinis ng bahay.