Heart Evangelista ‘nabuntis’ ng manok

Nasagot na ang haka-haka ng publiko sa tunay na kalagayan ng Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Kahapon sa Twitter post ng aktres ay ganito ang kanyang naging mensahe.

Heart Evangelista
Heart Evangelista (IG)

“Guys I’m pregnant with Bonchon chicken not pregnant.”

Ang paglilinaw ng aktres ay ginawa matapos kumalat na nagdadalang-tao ang misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Nauna rito ay isang larawan ng mag-asawa ang kumalat kung saan ay hawak ni Chiz ang tiyan ng kanyang asawang si Heart.